Isipin niyo ipagpalit ang trabaho bilang software developer sa Amerika upang mangalakal ng kesong puti dito sa Pilipinas. Iyan mismo ang ginawa ko sa aking mahigit na 40 taong paglalakbay mula sa Silicon Valley, California hanggang pagbalik ko sa munting bayan ng Magdalena, Laguna kung saan isinusulong ko ang sustainable agriculture at kaunlaran ng komunidad.
Sa aking karera dumaan ako sa maraming pagbabago na madalas kinailangan ng tapang ng loob. Noong 20 anyos pa lang ako, iniwan ko ang tinubuang lupa at nagsimula sa mundo ng Information Technology upang gumawa ng financial software sa Estados Unidos, kung saan ako noon ay isang bagong saltang imigrante. Nakalipas ang isang dekada, naudyok ang aking kalooban na isagawa ang maging man for others, ang pangaral ng mga paring Heswita sa akin (na isinapuso ko) noong bata pa ako. Ito ang aking pakay sa pagpapalit ng karera at maglingkod sa publiko bilang Public Relations & Community Education coordinator para sa Asian Law Caucus sa San Francisco, California.
Sa trabahong iyon, masigasig kong isinulong at ipinaglaban ang civil rights (karapatang pantao). Hinikayat ko ang mga mamamahayag na bigyang pansin ng publiko ang mga patakarang kontra-imigrante, ang hindi makatarungang pagpapalayas ng mga maralitang senior citizen sa kanilang inuupahang tirahan sa Chinatown, ang masamang kondisyon ng mga custodial workers sa Silicon Valley, ang mapagsamantalang sahod ng mga mga mananahi sa sweatshops, at ang diskriminasyon sa pagpapaalis ng mga Pilipinong security guard dahil sa pagsasalita ng Tagalog sa kanilang trabaho. Sa panahong ding ito, sinimulan ko ring mahasa ang aking pagsusulat bilang isang freelance journalist, at nag-aambag sa mga publikasyon tulad ng Filipinas Magazine at Philippine News sa Estados Unidos.
Nang maglaon, sa ilalim ng proyekto ng U.S. Department of Health & Human Services, nagtrabaho ako bilang Program Director ng Asian Pacific Islander Health Information Network upang mapabuti ang pag-access sa healthcare ng mga Asian Pacific Islanders ; pinamunuan ko ang pagbibigay ng Information Technology sa mga grupong pangkalusugan upang maibahagi ang mga balita at impormasyon gamit ang Internet para sa mga komunidad ng mga Asian Pacific Islanders sa buong bansa.
Sa huli, tila natagpuan ko ang aking tunay na bokasyon bilang isang social entrepreneur. Sa pagbalik ko sa aking pinagmulan noong 1997, bilang Managing Director ng Actuarial Services Company ng aking ama, pinamunuan ko ang pag-set up ng Public Safety Mutual Benefit Fund Incorporated, isang mutual benefit association na nagbibigay ng life insurance benefits sa mga unipormadong tauhan ng Philippine National Police, matapos tanggalin ang kanilang life insurance coverage sa GSIS.
Pagkatapos ng saglit na panahon sa Estados Unidos, bumalik ako sa Pilipinas noong 2011 upang alagaan ang aking tumatandang ina at simulan ang Remit4Change, isang proyekto ng US-based NGO, na tumuon sa paggamit ng mga remittance para sa panlipunang kaunlaran. Sa panahon ding ito nakipagsapalaran ako sa agrikultura, at nagtatanim at nagbebenta ng organic sweet corn.
Dahil sa mga mabigat hamon ng organic farming , ako’y nagiba ng tuon sa pagbebenta ng gatas ng kalabaw pagkatapos humingi ng tulong ang Municipal Agriculture Officer ng Magdalena sa pagbenta ng gatas ng kalabaw ng mga manggagatas ng bayan. Sa pagtatanto sa potensyal ng gatas ng kalabaw, nakipagtulungan ako sa mga carabao dairy farmers ng Magdalena at Rosario, Batangas para tugunan ang sobrang produksyon ng gatas. Ito ay humantong sa paglikha ng isang microenterprise na kilala sa pagbibigay ng mataas na kalidad na raw carabao milk at ang paggawa at pagbenta ng mga artisanal cheese, kabilang ang mga sikat na kesong puti at isang lokal halloumi-style na tinatawag Magdalloumi na binansagan ng DTI-Laguna na isang tunay na inobasyon. (panoorin niyo po ito https://youtu.be/cILpXwUIz7E?si=U6UjRCcqZENlcJOp)
Nakita ko ang pagkakataon hindi lamang sa mag-supply ng gatas ng kalabaw para sa world-class na mozzarella at burrata sa isang sikat na brick oven pizza restaurant sa Metro Manila, ngunit para iangat ang kapangyarihan ang mga lokal na magsasaka at mag-ambag sa ekonomiya ng aking bayan. Ang aking mga pagsisikap ay hindi lamang nakatulong sa pagpapalakas ng lokal na ekonomiya ng bayan ng Magdalena at Rosario ngunit isulong din ang sustainable dairy agriculture. Kabalikat ang mga lokal na magsasaka ng gatas, pinangunahan ko ang pag-oorganisa ng Magdalena Agriculture Cooperative noong 2017, at nagsisilbing Chairman ng Board of Directors noong 2022.
Bilang karagdagan, pinangunahan ko ang mga pilantropong kagawian ng aming angkan Laico-Pronove para sa ikauunlad ng komunidad, pinadali ang mga gawad ng lupa sa Magdalena LGU para sa isang bypass na kalsada upang mapabuti ang access ng sasakyan sa apat na barangay; isang kapirasong lupa para sa isang aquifer pumping station na nagbibigay ng maiinom na tubig sa libu-libong kabahayan sa Barangay Buenavista, Cigaras, at Salasad; isang maliit na parsela sa tabi ng highway kung saan itinayo pagawaan ng gatas at sales outlet; at isa pang parsela kung saan magtatayo ng early childhood care and education center.
Ngayon sa aking semi-retirement, patuloy kong isulong ang sustainable agriculture at kaunlarang komunidad. Ang kakaibang lakbay ay pagpapatunay na hindi pa huli ang lahat para muling baguhin ang iyong sarili at makatulong sa pagpapaunlad ng komunidad. Sa pagbabalik-tanaw, ang aking malawak at malalim na mga karanasan at ang aking tumitinag na adhikain para sa pagpapaunlad ng lipunan at ekonomiya ay ang paraan upang maging tunay na man for others.
Sa pamamagitan ng iba't ibang plataporma, kabilang ang aking Facebook page, nagbabahagi ako ng mga pananaw -- matalino man o hindi -- sa mga gawaing gatas kalabaw at inisyatibong pang-komunidad.
No comments:
Post a Comment